Huli na ang Lahat
Silent Sanctuary
Silent Sanctuary
HULI NA ANG LAHAT - Silent Sanctuary
Lalabas na muna ‘ko ng bahay magpapahangin lang
Maya maya pa’t mababawasan ang tinik sa kalamnan
Dati-rati sa tuwing tayo’y may tampuhan lambingan ang sagot sa daan
Anong nangyari, laging sinasabi “Pag-ibig na walang hanggan…”
Ganyan ba talaga sa una, ibang kislap ng mga mata
Ngunit habang tumatagal ay konting kibo’t naiinis na
Pumapangit ang ating itchura bumibilis sa pagtanda
Tuldok na insidente lalong gumagrabe, tiwala ay naging bula
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon Isulat na natin ang wakas sa huling pahinang babasahin Wala nang aatras, sabihin ang dapat aminin Pasensya ka na di naibigay ang lahat sayo
Sabay huminga, sumisikip na ang mundo
Dumidilim ang langit
Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon
Huli na ang lahat sa atin
Palayo na ang tugon
Matayog na ang puno
Ngunit ugat nama’y nalason
Huli na ang lahat MALAYA KA NA, MALAYA NARIN AKO.MALAYA KA NA, MALAYA NARIN TAYO.
Button Theme