TRUE LOVE? Always worth a try.. ♥
sobrang stressful ng week na ‘to for me.. dumaan nanaman ako sa isang kalbaryo na kala ko nadaan ko na dati.. at dahil dun, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. ilang araw akong hindi pumasok sa klase, puro gala, puro inom, puro puyat, puro iyak, at ang ending.. mukha akong zombie. o.0
pero sa bawat pagkakamali.. dapat palaging merong bagong realizations..
- kapag tapos na, tapos na.
- kapag friends, friends lang.
- hindi dapat nag e-exist sa mundo ang “Malabong Usapan”
- “bullshit mag care kung wala na.” - Mumble
- pwede parin naman mag-alala ka sa isang tao ehh, pero dapat i-level mo lang din yung care na yun batay sa kung anong estado niyo talaga.
- pumasok ka at wag pabayaan ang pag-aaral.
- kahit gabi-gabi kang umiiyak, isipin mo ginigising ka parin ng Diyos para sa isang bagong araw..
- kung ayaw mong mawala siya, kausapin mo. kung ok lang mawala siya, eh di hayaan mo. - Mumble
- GO WITH THE FLOW.. parang wala lang. casual lang. paramdam mo at pakita mong wala lang talaga sayo yung mga nangyari.
pag kayo, kayo talaga. — oo alam kong bullshit yang kasabihan na yan.. pero bakit pa magpipilit sa mga bagay na hindi naman talaga pwede diba? paano kung parehas kayong magulo ngayon? paano kung parehas kayong undecided sa buhay niyo? paano kung mahal niyo isa’t isa pero hindi kayo parehas makuntento? paano kung nag eenjoy kayo sa buhay niyo ngayon at hinahayaan niyo ang isa’t isa mag grow?
dadating din ang tamang panahon para sa inyong dalawa. pag dumating yung panahon na yun, atleast magiging definite na talaga kung ano ba talaga kayo sa isa’t isa.. magkaibigan? bestfriends? kayo na forever? ang importante lang naman dun, eh wag mo papabayaan ang sarili mo.. at kahit anong mangyari.. mag enjoy ka sa buhay mo!!! :) okay?



