kakadating ko lang ng bahay.. kakaupo ko palang dito sa tapat ng computer.. nag iisip ng magandang i-type.. bigla na lang ako naiiyak ngayon.. iba parin pala talaga yung pakiramdam pag nasa bahay ka na.. hindi mo na maitatago yung sakit at galit na nararamdaman mo.. oo sa school, keri lang. tawa lang ng tawa.. pero pagkauwi mo, bigla ka na lang babagsak.
hitting 2 birds with one stone? hindi nga lang 2 birds eh.. baka 3, 4, 5, 6.. at kung ilan pa.. ang hirap! sobrang hirap. wala ka ng pake sa ginagawa niya, hinahayaan mo na siyang sumaya.. hinahayaan mo na siya mag-enjoy at mambabae ng wagas.. kasi pati ikaw, nag eenjoy ka na sa buhay mo.. pero bakit ganon? bigla mong malalaman ng isang bagsakan ang lahat? hindi mo na nga inaalam eh.. kusang lumalapit sayo yung balita.. oo, wala akong karapatan magalit sa kanya.. pero sana man lang di niya na lang pinaramdam sakin na okay kami.. sana hindi niya na lang pinaramdam sakin na mahal niya pa din ako, na mahalaga ako sa kanya at kailangan niya ko. okay na ko eh, nasasanay na ko ng wala siya.. pero isang kalabit lang.. isang lambing ako, ako naman si tanga.. nasusuyo agad.
hindi lang sakit yung nararamdaman ko ngayon, kung hindi galit!! kasi napaka obvious naman na parte parin ako ng buhay mo diba?? araw-araw tayo magkasama.. nagpupunta ka pa sa bahay.. may mga bagay tayong nararamdaman at ginagawa na tayong dalawa lang ang nakakaintindi.. pero bakit ganon?? pano mo sila nagagawang pormahan? sinasabi mo kaibigan mo lang ako? na katropa mo lang ako? tangina!!! nagmukha akong tanga!! nagmukha akong katawa-tawa.. na kahit araw-araw mo ko kasama, hindi pala sapat yun.
grabe yung galit ko ngayon.. grabe yung pagsisisi na nararamdaman ko ngayon!! hindi mo malalaman kung gaano kasakit kasi hindi ka naman dadating sa ganitong punto eh.. alam mo yung pakiramdam na ginawa talaga tong mga pangyayari na ‘to para lang sakin? para saktan ako ng sobrang sakit na tipong di na ko makakabangon sa kama ko kakaiyak.. :’(
hinabaan ko pasensya ko. ilang beses kita inintindi. ilang beses kitang pinatawad. pero Mon naman!!! lahat may hangganan!! sana hindi na lang kita naging bestfriend. sana hindi na lang kita naging boyfriend. sana hindi na lang ako lumipat ng school. sana hindi na kita binigyan ng ilang pagkakataon at higit sa lahat, sana hindi na lang kita minahal. OA na kung OA pero putangina? 6yrs na tayong naglolokohan! 6yrs na tayong hindi ko alam kung ano ba talaga. hindi naman eto yung buhay na gusto ko eh.. hindi ito yung pinangarap kong maging sitwasyon ko eh..
wag ka mag-alala. hindi ako mang-aaway ng babae. kasi hindi ako ganon. di ako bababa sa ganong level.. dahil alam ko naman.. IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT!! na sana kung marunong ka lang makuntento, eh di sana okay ang lahat? tangina!! ang gago ko kasi! ang tanga tanga tanga ko!! bakit ikaw pa!!!! hindi mo alam kung gaano kasakit Mon! putangina! hindi mo alam!!!!!
sana matapos na tong sakit na ‘to. sana matapos na tong college life na ‘to :( ayaw na kita makita.. :( gusto na kitang mawala. gusto na kitang mabura sa buhay ko. :((
sa lahat ng sakit na pinaramdam mo sakin, eto pinakamalala. kasi di na nga kita magawang kausapin at awayin eh.. hnde ko na alam kung paano ko ipaparamdam yung galit ko sayo!!! :( Mon, alam ko di mo na ko kayang respsetuhin kasi nagawa mo na nga lahat ng yun eh.. pero please, kung may konti pang pagmamahal diyan sa puso mo, lubayan mo na ko. :( tulungan mo na kong kalimutan ka ng tuluyan.
konting panahon lang hinihingi ko sayo para tuluyan akong makamove.. di mo ko pinagbigyan. kating kati ka lumandi agad at tuluyan akong palitan.. </3 gusto kong basagin mga salamin ng koche mo! gusto kong ibalik lahat ng binigay mo! gusto kong gumanti!! gusto kong bastusin ka rin katulad ng ginagawa mo sakin!! gusto ko masaktan ka din ng ganito kalala!!! putangina Mon!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :((((((( grabe lang.. :(((((
ang sakit sakit sakit!!!! di ko na alam :(( can someone just save me? :( sukdulan yung sakit eh.. eto na talaga ang pinakamalala.. :( gusto ko na lang matulog.. gusto ko na tumigil tong sakit na ‘to.. gusto ko na tumigil yung mata ko kakaiyak..
Lord, help me.. :’(
Button Theme