Napakaswerte talaga ng taong iniiyakan. Swerte in the way na may nagmahal talaga sa kanya ng totoo, minsan hindi mo malaman na bakit patuloy pa rin siyang naghahanap ng iba kung meron na namang nagmamahal sa kanya. Dahil nga ba may choice siya? Dahil ba ayaw lang niya talaga sayo? O kulang pa? May gusto pa siyang maramdaman sayo? Pero napakahirap nga naman ibigay ang lahat ng pagmamahal kung wala ka pang pinang hahawakan diba? Syempre mahal mo rin ang sarili mo at hindi basta aasa sa mga salitang binibitawan ng isang taong hindi naman naging sayo.



