para sa mga lalaking hindi marunong makuntento.. :)
para sa mga kalalakihan!!! ano bang meron bakit hindi kayo marunong makuntento?? anong meron bakit kailangan marami kayong babae? bakit hindi kayo maging thankful na merong isang babaeng nagmamahal sa inyo ng wagas?
dahil ba sa pride yan? dahil ba sa ego yan? dahil ba feeling niyo ang macho niyo tignan kapag madami kayong chicks? pwes, diyan kayo nagkakamali!! hindi siya hot tignan! nakakadiri siyang tignan!!
minsan dumadating sa point, na sobrang nagsisinungaling na kayo para lang maitago yang mga chix niyo!! yung feeling na alam na nameng mga babae na katext niyo yung ibang chix niyo pero di na lang kami umiimik.. kasi kapag nagsalita pa kami, away nanaman. hindi okay samin yung ganong set up, pero mas okay na lang hindi magsalita kasi alam namen, wala ding patutunguhan yung away na yun.
naimbento ang 1, 2, 3, 4, 5…. sa math.. pero hindi ibig sabihin nun ay gagamitin niyo na yun para pambilang sa mga babae niyo! please naman!! be fair naman. di niyo alam yung sakit na dinadanas ng mga babae! di niyo alam na minsan, may mga gabing hindi kami makatulog kasi pilit naming iniisip kung bakit di kayo nakukuntento! ano pa bang kulang? meron pa ba kaming hindi naiibibigay? hai.. :(
please be sensitive enough. wag niyo antayin dumating yung panahon na pakawalan kayo ng babaeng sobrang nagmamahal sainyo dahil di kayo marunong makuntento!



